Dahil may mga biro na nakakapikon talaga.

Lahat ng tao na binibiro mo, eh nasasaktan, sobrang mature lang nila kaya hindi sila napipikon.

Hindi mo masasabi ang isang biro kung hindi naman talaga totoo, minsan ginagamit mo ang salitang joke dahil sa sobrang gustong laitin mo ang isang tao, dadaanin mo na lang ito sa biro.

Naniniwala ako na jokes are half meant true. Alam mo naman kung kailan nagsisinungaling ang tao. 

May kasabihan nga, “TRUTH HURTS”.

Nagiging sport lang ang mga taong binibiro mo dahil nga sa kaibigan ka nito. At ikaw naman, huwag mong abusuhin ang kabaitan ng kaibigan mo, may damdamin yan, nasasaktan yan. Sayo kaya gawin yan. Ewan ko ano maramdaman mo.

cguro kaya sila nag bibiro ng ganon o kahit simpleng panlalait lang., gusto cguro mag pa sikat sa mga taong nanonood sa kanila., o kaya nman gusto mag papansin., at ang masaklap nito ang taong nanlait sayo hndi naman  maganda o gwapo.

Minsan, kailangan maging mas sensitibo sa nararamdaman ng iba. Kailangan maging mas maingat sa mga sinasabi, dahil minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala ng damdamin ng ibang tao. Sabihin na natin na biro ito, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nakakatuwa ang mga biro. May tamang oras para sa lahat ng bagay. May tamang oras sa pagbibiro.